Pag may dinadamdam ka, minsan di kailangan ng iyak.

beben-eleben:

Minsan dinadaan din sa tawa para malaman ng iba na okay ka kahit hindi naman talaga.

Pag may dinadamdam ka, minsan di kailangan ng iyak.

beben-eleben:

Minsan dinadaan din sa tawa para malaman ng iba na okay ka kahit hindi naman talaga.

No matter how strong you are, sometimes all you need is one person who cares.

Yea.

No one knows ..

No one knows ..

There’s always that one person that makes you want to raise your middle finger every time they speak to you.
So yeah, I’m hurt.

Kanina pa talaga ko binabagabag nito eh. Nung una di ko iniitindi, no I mean, hindi ko ginagawang big deal. Patay malisya ganon. Pero sa mga nagdaang araw, parang di na ko nagiging ok sa mga nangyayari. Parang iba na, parang unti-unti na kong naapektuhan. Pero iniisip ko, ano bang ginawa kong mali? o may nagawa ba kong mali? Mali bang makipagkaibigan sa bestfriend ng iba? Kapag ba nakipagkaibigan ka sa bestfriend ng iba ibig sabihin nang-aagaw kna? Ganun nba patakaran ngayon, pag bestfriend mo, sayo na. Bawal ng kaibiganin or anything? 

Don’t you think you’re being selfish? Hindi mo ba naisip na pare-pareho lng naman ang nagiging trato ko sa lahat ng mga kaibigan kong tulad mo. Hindi mo ba naiisip na masakit para sakin na malaman na ako yung dahilan kung bakit mo siya iniiwasan/sinasaktan? Bakit, ano bang ginagawa ko ha? Bawal ko nba siyang dikitan? Oh c’mon. You’re too immature. Sorry for the words pero parang yun talaga yun eh. I can’t find any reason for you to act that way. Napakababaw kung titignan pero nakakasakit ng sobra sobra. Naiiyak na lng ako sa mga panahong to dahil sa sama ng loob. Iniisip ko, deserve ko ba ‘to? Pinakitaan na ba kita ng masama o ano? Lahat naman ng pakikisama at pagunawa ginagawa ko naman .. pero parang di pa din sapat.

Pero sige, kung yan yung gusto mo, ok. Lalayo ako sa kanya .. pati na din sayo. Ayoko ng makagulo o makasira pa ng friendship. Goodluck sa inyong dalawa, at sorry na din kung may Khang na umepal sa pagkakaibigan niyo. :)

I curse you Manong. >:(

Badtrip talaga kanina. Uggh. Yung tipong pasakay ka ng jeep tapos biglang umandar? Muntik nakong mahulog!! Ts. So sympre sa sobrang inis ko tinignan ko ng masama yung driver. Di man lang siya humingi ng pasensya o ano. :3 Pero ang pinaka nakakainis ay ..

A: Bayad po. (100php)

D: Wala ka bang barya?

A: Wala po. (medyo asar na tono kasi nga naiinis pa talaga ko sa kanya.)

Maya-maya ..

D: Oh sukli ng 100.

.. at sinuklian niya ko ng 93php .. na TAGPIPISO

Bwisit dbaaa?! Kung pwede ko lng ibato sa knya yung isang plastik ng tagpipiso na yun!! Hindi naman sa ano pero halata kasing nambibwisit yung driver. Malayo pa naman bababaan ko, pwede nman siyang maghintay muna ng bayad ng iba tska niya ko suklian. Grr. Badtrip. Sana makarma ka kuya!! ><

Ayoko ng sinisigawan ako, ok?

Wala lang. Medyo BV lang. Yung tipong di ka naman nakikipag away sa kanya, tapos sisigaw sigawan ka lang. Helloooo. Pwede ka pong sumagot ng maayos te. -__- Iniintindi nman kita kaso medyo nakakatampo lang. Medyo pahiya din kasi ako kanina sa mga nakakita. :3 K, yun lang. Bye.

- This isn’t a boyfriend thingy blog. Hindi lahat ng blog ko tungkol sa knya. Huehue.

What a great day! :’)

Yung feeling na nagising ka dahil parang may mabigat na ipinatong sa likod mo .. tapos yun pala jollibee yun galing sa knya, breakfast daw.<3 :’) Pati sila tita meron. Hahaha! Pero yung akin lng yung napicturan ko, nilamon kasi kagad eh :3 HAHA. Nakakatuwa lng, siya yung unang taong nakita ko pagkagising ko knina, sarap sa pakiramdam. =))

Tsura namin oh, bagong gising pako. :3 Hahaha!

Nagmovie marathon kami buong araw! Haha! Tapos bigla siyang nag crave sa pizza, so naisipan naming magpadeliver. Naubos namin yung isang box na family size! HAHA! Tapos yung isang box nman binigay namin kila tita. One of the family na talaga siya eh. :’) Hayyy. Sana araw araw ganto, ang sarap mabuhay kung ganto ang sistema araw-araw .. ❤